Thursday, May 31

Sales Lady Experience

Tagalog Post

Lahat tayo for sure, mapamayan man or hindi, nakaexperience na ng HORROR stories and FUNNY stories with some sales lady. Although hindi ko sila nilalahat, marami parin ang talagang MASUNGIT at napakaasim ng mukha pagpasok mo palang sa store.

My experience 1: CD-R King ng maraming beses
Ibang level ang sales lady dito. Ubod na nga ng bagal, ubod pa ng sungit. Bibili sana ako ng DVD-R para sa munting shop namin. So pumili ako, bilang isang masunuring bata. Nung ako na ang susunod sa isang lalaki, hiningi ng sales lady ang number ko.

Sales lady: Mam, number po.
Ako: Anong number?
Sales lady: Yung may number na kayo ang susunod.
Ako: Wala ng laman yung nandun e.
Sales lady: Pila nalang po kayo ulit. (E ubod ng haba ang  pila!)
Ako: Di ba pedeng ako na kasi pumila na ako?
Sales lady: Di pede (with matching irap ng mata)
Ako: Ay ganun, kapag lalake pede, ako bawal? 

Biglang sa next customer ang atensyon. Di ko alam kung dahil lalaki ba ung nasa likod ko or pogi ba kaya di na ako pinansin pero badtrip lang. At ako'y umalis sa CD-R King.

My experience 2: 168 Mall - Divisoria
Noong nagpunta kami dito kasama ang best friend ko nung highschool, mayroon kaming nakakatawang experience sa sales lady. Dahil divisoria nga ang aming pinuntahan, at siyempre uso ang tawaran sinubukan naming tumawad.

Ako & bestfriend: Magkano po ito? (Tsinelas na pekeng havaianas)
Sales lady: php xxx po ate
Ako & bestfriend: Wala nabang tawad?
Sales lady: Bat kita papatawarin? May kasalanan kaba? 
Ako & bestfriend: Tawa all the way.

My experience 3: Sa lahat ng malls sa buong bansa siguro
Kadalasan kapag ako'y nagtutungo sa mall, galing akong iskwela at siyempre gusgusing bata ako palagi dahil sa commute. So pagdating ko ng mall at mayroon gustong bilin, ang nakakatawa ay

tuwing papasok ako ng store, halos buong sales lady team ay nakabantay sakin. biglang tanong "Maam, gusto niyo po?" "Maam bagay po yan sa inyo" "Maam sale po yan" "Maam sukat niyo na po" "Maam meron po kaming offer" "Maam anong size po" "Maam para sa inyo po?" "Maam bilin niyo na po" UTANG na loob, tumahimik ka at layuan mo ako.

My experience 4: Pabango guys sa Trinoma
Yung tipong papasok ka palang ssprayan ka bigla? Badtrip much.


Other stories i found online in Pinoy exchange
Source: http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=187935&page=2



Share on Facebook

No comments:

Post a Comment